May mga oras bago ako makarating sa Alateen na hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga tao. Nais kong malaman nila na talagang nagmamalasakit ako sa kanila, ngunit walang lumabas. Alam kong handa silang makinig sa akin, ngunit may pumipigil sa akin na sabihin ang tunay kong nararamdaman.
January 15
Sinasabi sa akin ng Unang Hakbang na wala akong kapangyarihan sa alkohol-kung ano ang ginagawa nito sa taong umiinom nito o kung gaano man siya uminom. Sa katunayan, wala akong kontrol sa kahit sinumang tao. Kung gumugugol ako ng maraming oras na subukan upang makontrol ang iba, hinahayaan kong mawalan ako ng kontrol sa aking sariling buhay. Ang aking buhay ay magiging magulo.
January 14
Bago ako dumating sa Alateen, wala nang masyadong katuturan sa akin ang buhay. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang saktan ng mga tao ang bawat isa sa paraang gusto nila. Hindi ko alam kung ano ang aasahan, kung kanino ako magtiwala, o kung aling daan ang pupuntahan.
January 13
Minsan nais kong gawin ang mas madaling paraan; Ginagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin, hindi ang mga bagay na dapat kong gawin. Mas nakakatuwang lumabas kasama ang aking mga kaibigan kaysa gawin ang mga takdang-aralin na ipinagsasawalang bahala ko; mas madaling umupo at humilata sa bahay sa halip na gawin ang aking gawain sa bahay.
January 12
Kapag hindi ako binibigyan ng aking mga magulang ng pansin o atensiyon na hinahanap ko, inaakusahan ko sila na hindi nila ako mahal at nagsisimula akong magtampo sa kanila. Nang dumating ako sa samahan, nalaman ko ang aking mga kamalian. Sa halip na tanggapin ko ang kaya nilang ibigay, tinanggihan ko ito.
January 11
Noong una tayong makarating sa Alateen ay mahirap para sa ilan sa atin na makita kung paano tayo naging hindi tapat. Kung hindi tayo nagnanakaw o nagsisinungaling, sa palagay natin ay matapat na tayo. Ngunit may iba pang mga paraan ng pagiging hindi tapat sa ating sarili.
January 10
Nagpunta ako sa aking pinakaunang pagpupulong na nakakakuyom ang aking mga kamao. Galit ako, nabigo, at handang makipag-away sa sinuman.
Noong bata pa ako, mayroon akong isang personal na ideya ng Diyos: isang Mas Mataas na Kapangyarihan na alam ang aking mga problema at handa akong tulungan. Hindi ko Siya inisip araw-araw, ngunit alam kong nandiyan Siya sa tuwing kailangan ko Siya.
Gusto kong wasakin ang mundo sa malilit na piraso. Palaging lasing ang aking ina at sigurado ako na wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa akin. Gusto kong sumigaw ng napakalakas, ngunit kinimkim ko lang ito sa loob ko.
Nang dumating ako sa Alateen, nalaman ko na wala akong magagawa tungkol sa pag-inom ng aking ina. May sakit siya at hihingi lang siya ng tulong kapag handa na siya. Ngunit may magagawa ako tungkol sa aking sariling damdamin. Mailalabas ko ang aking galit sa halip na kimkimin ko ito, alam ko na ang mga tao sa Alateen ay kayang intindihin at tatanggapin ako. At sa halip na subukin at maghinanakit sa mundo, magagamit ko ang programa upang paghiwa-hiwalayin ang aking malalaking problema sa maliliit. Na mas magiging makahulugan sa akin!
MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN
Minsan kapag galit na galit ako gusto kong sumigaw. Walang mali doon, ngunit kung saan at kailan ko gustong ilabas ang aking galitt ay ibang usapan na iyon. Ang isang magandang lugar upang gawin ito ay sa isang pagpupulong kung saan mapakikinggan ito ng mga tainga na nakakaunawa. Ang mga tainga na iyon ay nabibilang sa mga taong handang tulungan akong subaybayan ang galit mula sa pinagmulan nito at makahanap ng positibo at magandang na paraan upang harapin ito.
Matapos ang aking ilang pagdalo sa mga pulong sa Alateen, sinimulan kong basahin ang ilan sa kanilang mga literatura. Noong una ay naisip ko na ang karamihan sa aking nabasa ay hindi para sa akin. Ang Mga Hakbang at Tradisyon ay nakalilito at ang mga slogan ay tila napaka-simple para sa akin.