Categories
January

January 8

Gusto kong wasakin ang mundo sa malilit na piraso. Palaging lasing ang aking ina at sigurado ako na wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa akin. Gusto kong sumigaw ng napakalakas, ngunit kinimkim ko lang ito sa loob ko.

Nang dumating ako sa Alateen, nalaman ko na wala akong magagawa tungkol sa pag-inom ng aking ina. May sakit siya at hihingi lang siya ng tulong kapag handa na siya. Ngunit may magagawa ako tungkol sa aking sariling damdamin. Mailalabas ko ang aking galit sa halip na kimkimin ko ito, alam ko na ang mga tao sa Alateen ay kayang intindihin at tatanggapin ako. At sa halip na subukin at maghinanakit sa mundo, magagamit ko ang programa upang paghiwa-hiwalayin ang aking malalaking problema sa maliliit. Na mas magiging makahulugan sa akin!

 

MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN

Minsan kapag galit na galit ako gusto kong sumigaw. Walang mali doon, ngunit kung saan at kailan ko gustong ilabas ang aking galitt ay ibang usapan na iyon. Ang isang magandang lugar upang gawin ito ay sa isang pagpupulong kung saan mapakikinggan ito ng mga tainga na nakakaunawa. Ang mga tainga na iyon ay nabibilang sa mga taong handang tulungan akong subaybayan ang galit mula sa pinagmulan nito at makahanap ng positibo at magandang na paraan upang harapin ito.