Categories
February

February 2

Iba’t iba ang paniniwala ng mga tao. Ang ilan ay tumitingin sa buhay at nakikita ang kabutihan, kagandahan, pagkakaibigan, at pag-asa; ang iba ay tumingin sa parehong buhay at nakikita ang mga problema, kapangitan, kalungkutan, at kawalan ng pag-asa.

Ano ang mga pinagkaiba? Mga Saloobin.

Sa Alateen natutunan ko na ang pag-iisip ko tungkol sa isang sitwasyon ay tumutukoy kung magiging masaya ba ako o malungkot, sasama ba ang loob ko o iintindi, magagalit o magiging kalmado, magmamahal o mapupoot. Ang paggawa ng mga Hakbang, Tradisyon, at islogan ay tumutulong sa akin na makabuo ng isang mas masaya, mas positibong pag-uugali at nakikita ko ang higit pa sa magagandang bagay sa aking buhay.

MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN

Hindi ang “mga bagay” ang pagkakaiba-ba — ito ay ang ugali ko kung paano ko titignan ang mga ito. Binibigyan ako ng programa ng mga kasangkapan upang maging isang positibong nag-iisip. Ang paggamit sa kanila ay makakatulong sa akin na tumingin sa maliwanag na bahagi ng bawat sitwasyon na nakasalubong ko ngayon at sa araw-araw.

English Translation

People see things differently. Some look at life and see goodness, beauty, friendship, and hope; others look at the same life and see problems, ugliness, loneliness, and despair.

What makes the difference? Attitudes.

In Alateen I’ve learned that the way I think about a situation determines whether I’ll be happy or sad, resentful or understanding, angry or calm, loving or hateful. Working the Steps, Traditions, and slogans helps me develop a happier, more positive attitude and I see more of the good things in my life.

 

Things to Think About

It’s not “things” that make the difference—it’s my attitude toward them. The program gives me the tools to be a positive thinker. Using them will help me to look on the bright side of each situation I meet today.