Para sa mga miyembro ng Al-Anon, ang pagkakaroon ng pagkadulas na mga sandali ay nangangahulugang pagbabalik sa pag-inom. Ang mga Alateen ay maaaring may mga pagkadulas na sitwasyon din. Para sa amin ang isang pagkadulas ay isang pagbabago nagpapabalik sa aming dating mga pag-uugali.
Tag: Higher Power
January 30
Akala ko dati ang katahimikan ay buhay na walang problema. Hindi. Ito ay ang pagkatutong mabuhay nang kasama ang galit, mga argumento, mga damdaming nasasaktan – lahat ng mga bagay na nagiging dahilan upang maging isang tao.
January 29
Ang Ika-Labindalawang Hakbang ay isa sa aking mga paborito dahil kasama na dito ang lahat. Maraming miyembro ang may problema sa bahagi ng “Espiritwal na Paggising” na parte ng Hakbang. Ako rin ay naging problema ko ito. Ngunit ngayon nakikita ko ito bilang isang bagay na nagbibigay sa akin ng kamalayan sa aking sarili at sa aking Mas Mataas na Kapangyarihan.
January 21
Nang nasa Alateen ako ng ilang buwan pa lamang, patuloy kong tinatanong ang aking mga kaibigan kung may napansin ba silang pagbabago na makabubuti sa akin. Mas naging masaya at mas matahimik ang oakiramdam ko, ngunit nais ko pa ring marinig sa iba na nakatutulong sa aking paggaling ang programa. Ang hindi ko namamalayan ay hindi ko kailangan ng pag-apruba ng ibang tao upang bolahin ang aking sarili.
Noong bata pa ako, mayroon akong isang personal na ideya ng Diyos: isang Mas Mataas na Kapangyarihan na alam ang aking mga problema at handa akong tulungan. Hindi ko Siya inisip araw-araw, ngunit alam kong nandiyan Siya sa tuwing kailangan ko Siya.
Nakasalalay ang aking araw sa kung paano ko titignan ang aking mga problema. Kung titignan ko ang mga ito bilang mga hadlang, marahil ay ako ay mahihirapan at mabibigo. Ngunit kung susubukan kong gamitin ang aking mga problema bilang mga hakbang upang malaman ang higit pa tungkol sa aking sarili, maaaring maging isa itong mahalagang hakbang sa aking pag-unlad.
Bago ako dumating sa Alateen ay namumuhay ako sa nakaraan at nag-aalala sa mga darating na bukas. Kaya naman walang natitirang oras para sa akin sa kasalukuyan. Natutulala ako sa lahat ng oras at hindi ko alam kung ano ang mga ginagawa ko.