Categories
January

January 26

Epektibo ang Unang Tradisyon! Narito kung paano ito ginamit ng isang pangkat:

“Ang aming mga pagpupulong ay madalas na tahimik at walang kabuhay-buhay hanggang sa ang buong kahulugan ng Unang Tradisyon ay unti-unting lumubog sa aming mga ulo. Kung walang pagkakaisa sa pangkat, wala kaming magandang pagpupulong at hindi matatanggap ng mga bagong dating ang tulong na kailangan nila. Matapos namin basahin at pag-aralan ang Unang Tradisyon ng may malalim na pagkaka-intindi, napagtanto naming lahat na kailangan nating magbigay ng kaunti para sa ating sarili upang  magkaroon ng saysay ang pangkat.

Categories
Uncategorized

January 25

Noong bata pa ako, naisip kong ang buhay ay peaches at cream. Ngayon nakikita ko na mas katulad ito ng mga frozen na strawberry. Kailangan kong dumaan sa impiyerno para lang matunaw ang mga strawberry — ang pagsisigawan, ang mga damdaming nasaktan at mga nasirang pangako. Hindi ito naging madali, ngunit nakuha ko ang programa at nakakatulong ito sa akin na makayanan ang lahat ng ito.

Categories
January

January 24

Sa tuwing ang mga bagay at pagkakataon ay nagiging masama at mas masahol  sa bahay, pinipili kong tumakas. Nang babalik na ako, hindi ako mapagtiwalaan ng aking ina; hindi niya alam ang gagawin ko. Kaya’t nanatili siyang kasama ko sa bahay at dahil dito hindi ako makakapunta kahit saan. Masunurin ako sandali; pagkatapos kapag sinimulan niya akong palabasin, gagawin ko ulit ang nakasanayan kong gawin.

Categories
January

January 23

Ang Diyos ay may mahabang pasensya sa atin habang nadadapa tayo sa mga pagsubok na tayo’y maging mas mabubuting tao. Minsan pagkatapos ng Ika-Limang Hakbang nais nating hawakan at alaagan ang ilang sa mga pagkakamali natin. Alam nating kailangan nating pakawalan ang mga ito, ngunit hindi lang tayo handang gawin ito.

Categories
January

January 22

Hindi madaling aminin na minsan gumagawa ako ng mga bagay na masama. Pinipili ko na makipag-away sapagkat maganda sa pakiramdam ang pagsigaw at may mga oras na talagang galit ako sa mga tao. Sino ang gustong banggitin sa iba ang mga bagay na tulad nito?

Categories
January

January 21

Nang nasa Alateen ako ng ilang buwan pa lamang, patuloy kong tinatanong ang aking mga kaibigan kung may napansin ba silang pagbabago na makabubuti sa akin. Mas naging masaya at mas matahimik ang oakiramdam ko, ngunit nais ko pa ring marinig sa iba na nakatutulong sa aking paggaling ang programa. Ang hindi ko namamalayan ay hindi ko kailangan ng pag-apruba ng ibang tao upang bolahin ang aking sarili.

Categories
January

January 20

Noong una kong marinig ang mga tao na pinag-uusapan ang tungkol sa pagtanggap at pagsuko sa isang pagpupulong, naisip kong baliw sila at sinabi ko ito mismo. Tiyak na hindi nila ako aasahan na gumulong at magpatay-patayan at hayaang tapak-tapakan ako ng ibang tao. Nasa giyera ako laban sa mga alkoholiko magpakailanman, at walang paraan na susuko ako ngayon at hayaan siyang manalo.

Categories
January

January 19

Ang tagapagtaguyod ng AA, Bill W., ay natuklasan na sa mga desperadong sandali ang tanging paraan lamang upang siya ay makakuha muli ng katahimikan ay upang makipag-ugnay at tumulong sa isa pang problemado sa alkohol. Sa Alateen may pagkakataon tayong tumulong sa iba araw-araw.

Categories
January

January 18

Ang aking mga saloobin at damdamin ay tulad ng isang halo ng cake: ang mga sangkap ay maaaring maging mahusay, ngunit hindi gaanong maganda hanggang sa pinaghalo at magkakaroon ng isang hugis at saktong lasa. Maaari akong magkaroon ng maraming magagandang saloobin at damdamin, ngunit kung ang aking mga aksyon ay hindi nagsasabi ng parehong kuwento, nasasayang ito.

Categories
January

January 17

Maraming tao ang nagtanong, “Paano ko mahahanap ang Diyos?” Ang sagot ay dumarating sa pamamagitan ng paghahanap, pakikinig, at pag-aaral sa pamamagitan ng mga karanasan ng ibang tao.