Para sa mga miyembro ng Al-Anon, ang pagkakaroon ng pagkadulas na mga sandali ay nangangahulugang pagbabalik sa pag-inom. Ang mga Alateen ay maaaring may mga pagkadulas na sitwasyon din. Para sa amin ang isang pagkadulas ay isang pagbabago nagpapabalik sa aming dating mga pag-uugali.
Category: January
January 30
Akala ko dati ang katahimikan ay buhay na walang problema. Hindi. Ito ay ang pagkatutong mabuhay nang kasama ang galit, mga argumento, mga damdaming nasasaktan – lahat ng mga bagay na nagiging dahilan upang maging isang tao.
January 29
Ang Ika-Labindalawang Hakbang ay isa sa aking mga paborito dahil kasama na dito ang lahat. Maraming miyembro ang may problema sa bahagi ng “Espiritwal na Paggising” na parte ng Hakbang. Ako rin ay naging problema ko ito. Ngunit ngayon nakikita ko ito bilang isang bagay na nagbibigay sa akin ng kamalayan sa aking sarili at sa aking Mas Mataas na Kapangyarihan.
January 28
Minsan kailangan kong pumunta ng higit pa sa isang pagpupulong sa isang linggo. Ngunit mayroon lamang isang grupo ng Alateen sa bayan at nagkikita-kita lamang ito isang beses lamang sa isang linggo. Ano ang gagawin ko?
January 27
Palagi akong nakangiti, ngunit sa isang pagkakataon na ang aking ngiti ay hindi kinakailangan sa kung ano man ang nadarama ko. Ang pag-ngiti ay tinatakpan ang maraming pag-iyak na ginagawa ko at na nagiging dahilan upang pigilan nito ang mga tao na makilala ang totoong ako.
January 26
Epektibo ang Unang Tradisyon! Narito kung paano ito ginamit ng isang pangkat:
“Ang aming mga pagpupulong ay madalas na tahimik at walang kabuhay-buhay hanggang sa ang buong kahulugan ng Unang Tradisyon ay unti-unting lumubog sa aming mga ulo. Kung walang pagkakaisa sa pangkat, wala kaming magandang pagpupulong at hindi matatanggap ng mga bagong dating ang tulong na kailangan nila. Matapos namin basahin at pag-aralan ang Unang Tradisyon ng may malalim na pagkaka-intindi, napagtanto naming lahat na kailangan nating magbigay ng kaunti para sa ating sarili upang magkaroon ng saysay ang pangkat.
January 24
Sa tuwing ang mga bagay at pagkakataon ay nagiging masama at mas masahol sa bahay, pinipili kong tumakas. Nang babalik na ako, hindi ako mapagtiwalaan ng aking ina; hindi niya alam ang gagawin ko. Kaya’t nanatili siyang kasama ko sa bahay at dahil dito hindi ako makakapunta kahit saan. Masunurin ako sandali; pagkatapos kapag sinimulan niya akong palabasin, gagawin ko ulit ang nakasanayan kong gawin.
January 23
Ang Diyos ay may mahabang pasensya sa atin habang nadadapa tayo sa mga pagsubok na tayo’y maging mas mabubuting tao. Minsan pagkatapos ng Ika-Limang Hakbang nais nating hawakan at alaagan ang ilang sa mga pagkakamali natin. Alam nating kailangan nating pakawalan ang mga ito, ngunit hindi lang tayo handang gawin ito.
January 22
Hindi madaling aminin na minsan gumagawa ako ng mga bagay na masama. Pinipili ko na makipag-away sapagkat maganda sa pakiramdam ang pagsigaw at may mga oras na talagang galit ako sa mga tao. Sino ang gustong banggitin sa iba ang mga bagay na tulad nito?
January 21
Nang nasa Alateen ako ng ilang buwan pa lamang, patuloy kong tinatanong ang aking mga kaibigan kung may napansin ba silang pagbabago na makabubuti sa akin. Mas naging masaya at mas matahimik ang oakiramdam ko, ngunit nais ko pa ring marinig sa iba na nakatutulong sa aking paggaling ang programa. Ang hindi ko namamalayan ay hindi ko kailangan ng pag-apruba ng ibang tao upang bolahin ang aking sarili.