Bago ako dumating sa Alateen, wala nang masyadong katuturan sa akin ang buhay. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang saktan ng mga tao ang bawat isa sa paraang gusto nila. Hindi ko alam kung ano ang aasahan, kung kanino ako magtiwala, o kung aling daan ang pupuntahan.
Ang kaguluhan na iyon talaga ang dumating sa akin. Sinusubukan kong talakayin ang lahat ng aking mga problema nang sabay-sabay hanggang sa pakiramdam ko ay nabigo ako at kung minsan ay nais ko nang sumuko.
Ngunit ang pagkalito ay naging dahilan upang mas mapalapit pa ako sa programa ng sa gayo’y maitama ko ang mga bagay. Tinulungan ako ng Ika-Labindalawang Hakbang na ayusin ang mga bagay-bagay ng paunti-unti. Unti-unting naibabalik ang aking pag-iisip at nagsimula ang aking buhay ng may mas kahulugan.
Paalala Ngayon
Ang Alateen ang susi kung saan mabubuksan ang pintuan ng naguguluhan kong isipan. Mayroon isang programa na makakatulong sa akin na maunawaan ang aking magulong pag-iisip at pakiramdam. Ang pamumuhay kasama nito ay magpapakita sa akin kung paano makahanap ng kapayapaan ng isip para sa ngayon.