Kapag nahihirapan akong ayusin ang mga bagay na nangyayari sa paligid ko, tumatakbo ako papunta sa aking sariling maliit na mundo. Pinipigilan ako nito na masaktan. Nangangarap akong maging isang bida sa pelikula o bayani o kung hindi naman ay maging espesyal sa buhay ng ibang tao.
Nakasalalay ang aking araw sa kung paano ko titignan ang aking mga problema. Kung titignan ko ang mga ito bilang mga hadlang, marahil ay ako ay mahihirapan at mabibigo. Ngunit kung susubukan kong gamitin ang aking mga problema bilang mga hakbang upang malaman ang higit pa tungkol sa aking sarili, maaaring maging isa itong mahalagang hakbang sa aking pag-unlad.
Bago ako dumating sa Alateen ay namumuhay ako sa nakaraan at nag-aalala sa mga darating na bukas. Kaya naman walang natitirang oras para sa akin sa kasalukuyan. Natutulala ako sa lahat ng oras at hindi ko alam kung ano ang mga ginagawa ko.
Nakarating ako sa Alateen dahil hindi ko na kinakaya ang pag-inom ng isang malapit sa akin. Ngunit ito ba ang dahilan na patuloy akong bumabalik?
Lumapit ako sa Alateen dahil hindi ko makayanan ang pag-inom ng isang taong malapit sa akin. Ngunit ito ba ang dahilan kung bakit patuloy akong bumabalik?
Nagsimula na naman ang isa pang bagong taon. Ano ito para sakin? Ito ba ang oras kung saan gagawa ako ng maraming pangako upang makita o malaman na masira ang mga ito bago pa man magsimula ang buwan? O Ito ba ay magiging tamang oras para sa isang panibagong simula?