Minsan nais kong gawin ang mas madaling paraan; Ginagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin, hindi ang mga bagay na dapat kong gawin. Mas nakakatuwang lumabas kasama ang aking mga kaibigan kaysa gawin ang mga takdang-aralin na ipinagsasawalang bahala ko; mas madaling umupo at humilata sa bahay sa halip na gawin ang aking gawain sa bahay.
Kapag nais kong gawin ang nais ko sa halip na kung ano ang kailangan kong gawin, tinatandaan ko ang “Mga Unang Bagay.” Kung seseryosohin ko ang slogan, makakatulong ito sa akin na magpasya kung ano ang mga mahahalagang bagay. Kapag nagawa ko ang aking mga responsibilidad sa aking sarili at sa iba, magkakaroon ako ng mas maraming oras upang maisagawa koa ang mga bagay na masaya at gusto kong gawin.
MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN
Ano ang mahalaga sa buhay ko? Ano ang gusto ko? Anong kailangan ko? Tinutulungan ako ng Alateen na sagutin ang mga katanungang ito. Upang mapanatili ang aking mga priyoridad, ilalagay ko muna ang “Mga Unang Bagay” ngayon.