Categories
January

January 6

Kapag nahihirapan akong ayusin ang mga bagay na nangyayari sa paligid ko, tumatakbo ako papunta sa aking sariling maliit na mundo. Pinipigilan ako nito na masaktan. Nangangarap akong maging isang bida sa pelikula o bayani o kung hindi naman ay maging espesyal sa buhay ng ibang tao.

Categories
January

January 5

Nakasalalay ang aking araw sa kung paano ko titignan ang aking mga problema. Kung titignan ko ang mga ito bilang mga hadlang, marahil ay ako ay mahihirapan at mabibigo. Ngunit kung susubukan kong gamitin ang aking mga problema bilang mga hakbang upang malaman ang higit pa tungkol sa aking sarili, maaaring maging isa itong mahalagang hakbang sa aking pag-unlad.

Categories
January

January 3

Nakarating ako sa Alateen dahil hindi ko na kinakaya ang pag-inom ng isang malapit sa akin. Ngunit ito ba ang dahilan na patuloy akong bumabalik?