Ang Ika-Labindalawang Hakbang ay isa sa aking mga paborito dahil kasama na dito ang lahat. Maraming miyembro ang may problema sa bahagi ng “Espiritwal na Paggising” na parte ng Hakbang. Ako rin ay naging problema ko ito. Ngunit ngayon nakikita ko ito bilang isang bagay na nagbibigay sa akin ng kamalayan sa aking sarili at sa aking Mas Mataas na Kapangyarihan.
Ang isa pang bahagi ay nagsasabi, “sinusubukan naming iparating ang mensaheng ito sa iba.” Ang pinakamahusay na paraan na magagawa ko ay sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng programa sa aking pangaraw-araw na pamumuhay at pagpapakita ng mabuting halimbawa para sa iba.
Kapag minsan ay napapansin kong bumabalik ang dati kong paraan ng pag-iisip, lagit kong tandaan na “sanayin ang mga prinsipyong ito sa lahat ng aking mga gawain” sa bahay, sa paaralan, sa trabaho, at sa aking mga kaibigan-hindi lamang sa pagpunta ko sa aking mga pagpupulong sa Alateen. Kailangan kong gawin ito ng Paisa-isang araw at oras. Tinutulungan ako nitong makalimutan ang mga dating gawain at magsimula ng bago sa bawat araw.
MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN
Sa tingin ko ay Mas buhay ako ngayon kaysa dati dahil sa paraan ng pamumuhay na itinuro ng Alateen. Upang patuloy na lumago, Ang Ika-Labindalawang hakbang ang sagot para sa akin. Kailangan kong makipag-ugnay at magbigay ng tulong sa iba pang mga tinedyer na nangangailangan ng tulong ng Alateen. At kailangan kong panatilihin ang pagtatrabaho ng programa sa lahat ng bahagi ng aking buhay bawat araw.