Hindi madaling aminin na minsan gumagawa ako ng mga bagay na masama. Pinipili ko na makipag-away sapagkat maganda sa pakiramdam ang pagsigaw at may mga oras na talagang galit ako sa mga tao. Sino ang gustong banggitin sa iba ang mga bagay na tulad nito?
Mahirap na panatilihin ang pagdadala ng bagay na ito, ngunit ang Ika-Limang Hakbang – ang pag-amin sa Diyos, sa aking sarili, at ibang tao ay tumutulong sa akin na mailabas ito. Kapag inaamin ko ang mga damdamin kong ito ay maaari kong pakawalan at alisin sa aking ulo ang mga ganitong bagay na kung saan ay tumutulong sa akin na maging malaya!
MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN
Ang Ika-Limang Hakbang ay isang mahusay na kaluwagan! Mabuti nang hindi ko itago at kimkimin ang aking mga damdamin. Ang paglabas ng mga bagay sa pamamagitan ng pag-amin ng aking mga pagkakamali ay naglilinis sa aking isipan at ginagawang mas madaling mag-isip tungkol sa kung paano ko susulitin ang araw ngayon.