Nang nasa Alateen ako ng ilang buwan pa lamang, patuloy kong tinatanong ang aking mga kaibigan kung may napansin ba silang pagbabago na makabubuti sa akin. Mas naging masaya at mas matahimik ang oakiramdam ko, ngunit nais ko pa ring marinig sa iba na nakatutulong sa aking paggaling ang programa. Ang hindi ko namamalayan ay hindi ko kailangan ng pag-apruba ng ibang tao upang bolahin ang aking sarili.
Gumagaling na ako ngayon. Nagsisimula na akong maging maayos sa aking ginagawa habang hinahayaan kong maging gabay ko ang aking konsensya. Kung patuloy akong pupunta sa mga pagpupulong ng Alateen ng may bukas na isip, tutulungan ako ng aking Mas Mataas na Kapangyarihan.
MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN
Maaari kong pakinggan at tanggapin ang magagandang bagay na sinasabi ng mga tao tungkol sa akin, ngunit hindi ko kailangang hanapin ang mga ito upang mapabuti ang aking pakiramdam. Alam kong ipinamumuhay ko ang programa ayon sa aking makakaya, paisa-isang araw at oras. Iyon ang pinakamahusay na dahilan na naiisip ko para mapaganda at mapa-ayos ang aking pakiramdam.