Sa tuwing ang mga bagay at pagkakataon ay nagiging masama at mas masahol sa bahay, pinipili kong tumakas. Nang babalik na ako, hindi ako mapagtiwalaan ng aking ina; hindi niya alam ang gagawin ko. Kaya’t nanatili siyang kasama ko sa bahay at dahil dito hindi ako makakapunta kahit saan. Masunurin ako sandali; pagkatapos kapag sinimulan niya akong palabasin, gagawin ko ulit ang nakasanayan kong gawin.
Isang beses nang umuwi ako, nagkasakit ako dahil sa akong patuloy na pagtakbo at pagkawala. Doon ako kinausap ng aking ina tungkol sa Al-Anon at Alateen. Nahuli niya ako sa tamang sandali dahil gusto kong subukang pigilan ang sobrang sama ng aking loob.
Kinabukasan nagpunta ako sa aking unang pagpupulong at nakita ko ng personal kung ano ang inilarawan niya sa akin. Sa kauna-unahang pagkakataon nais kong manatili sa iisang lugar. Lumabas ako sa pulong ng may mas magandang pakiramdam at alam kong sa halip na tumakas, makakabalik ako rito at magagawa kong ayusin ang aking mga problema sa mga taong nakakaunawa.
MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN
Mukhang mas madaling tumakas mula sa aking mga problema, ngunit karaniwang sinusundan nila ako kahit saan ako magpunta. Kailangan ng higit na lakas ng loob upang harapin ang mga ito ng harap-harapan. Kapag ginamit ko ang programa upang gawin iyon, hindi ako nag-iisa. Mayroong isang pakikisama ng mga kaibigan na naghihintay na salubungin ako at tulungan akong makahanap ng mga solusyon na kailangan ko.