Bago ako dumating sa Alateen ay namumuhay ako sa nakaraan at nag-aalala sa mga darating na bukas. Kaya naman walang natitirang oras para sa akin sa kasalukuyan. Natutulala ako sa lahat ng oras at hindi ko alam kung ano ang mga ginagawa ko.
Mapalad ako upang matuklasan ang Alateen. Noong una ay matigas ang aking ulo at patuloy pa rin ako sa dati kong pamamaraan. Ngunit ngayon, sa pagpapatuloy ko sa programa, napagtanto ko na ang pinakamahusay na paraan upang mabuhay ay “Paisa-isang araw at Oras.” Sa tuwing darating ang mahirap na sitwasyon sa aking buhay kailangan kong mabuhay ng isang minuto bawat oras.
Alam kong hindi ko kailangang mag-alala tungkol sa kung ano man ang darating bukas o kung ano ang ginawa ko kahapon. Sa tulong ng aking Mas Mataas na Kapangyarihan at ng programa, mabubuhay ako para sa ngayon at magpapakasaya .
MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN
Natapos na ang kahapon at ang bukas ang wala pa sa ngayon, kaya maaari lamang akong mabuhay para sa araw na ito. Kung mag-aalala ako tungkol sa kung ano ang mangyayari o kung sa ano ang nangyari. Makakalimutan kong magpasalamat sa mayroon ako ngayon. Pinananatili ako ng Alateen sa tamang daan at tinutulungan akong mabuhay ng “Paisa-isang Araw at Oras.”