Nakasalalay ang aking araw sa kung paano ko titignan ang aking mga problema. Kung titignan ko ang mga ito bilang mga hadlang, marahil ay ako ay mahihirapan at mabibigo. Ngunit kung susubukan kong gamitin ang aking mga problema bilang mga hakbang upang malaman ang higit pa tungkol sa aking sarili, maaaring maging isa itong mahalagang hakbang sa aking pag-unlad.
Ang pag-amin sa aking kamalian ay maaaring maging isang stepping-stone sa pagiging matapat at mapagpakumbaba. Ang paggawa sa isang takdang-aralin ay maaaring magdulot sa akin ng pagiging mas responsable. Ang pagpapaalam sa isa sa aking kinakatakutan ay makakatulong sa akin na makahanap ng pananampalataya sa isang Mas Mataas na Kapangyarihan.
Ang mga stepping-stones o mga hadlang -ang mga pagpipilian ay sa akin.
MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN
Walang makakapagsabi sa akin ng kung ano ang dapat kong maramdaman tungkol sa araw na ito. Ang karapatan na iyon ay pag-aari ko lamang. Lalayo ako sa aking paroroonan kung hahayaan kong maging hadlang ang aking mga problema. Maaari nito akong patatagin kung gagamitin ko ito upang maging mas maging malapit sa progrma.