Nagsimula na naman ang isa pang bagong taon. Ano ito para sakin? Ito ba ang oras kung saan gagawa ako ng maraming pangako upang makita o malaman na masira ang mga ito bago pa man magsimula ang buwan? O Ito ba ay magiging tamang oras para sa isang panibagong simula?
Sa tulong ng programa, maaari itong maging isang panibagong simula. Panahon na upang palayain ang mga hinanakit at sakit na aking dinadala at ito rin ay oras upang ako ay maging tapat sa aking sarili.
Magsisimula ako sa isang slogan o kaya nama’y tumingin sa isang Hakbang. O baka ay makilala ko ang isang bagong tao. Susubukan kong magtrabaho nang husto sa programa, pa isa-isang araw, at hahanapin ko ang bagong spark ng enerhiya na makakatulong sa akin para lumago.
MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN
Ngayon ang pagkakataon upang gumawa ng isang bagong pagsisimula. Susuriin at pag aaralan ko ang programa at talagang susubukan kong makuha kung ano ang ibig sabihin nito sa aking buhay. Kalilimutan ko ang nakaraan at aasahan ko ang mas magandang bukas na may positibong pag-uugali. Alam kong ito ay magiging isang magandang taon!