Kapag nahihirapan akong ayusin ang mga bagay na nangyayari sa paligid ko, tumatakbo ako papunta sa aking sariling maliit na mundo. Pinipigilan ako nito na masaktan. Nangangarap akong maging isang bida sa pelikula o bayani o kung hindi naman ay maging espesyal sa buhay ng ibang tao.
Sa programa ay natututo akong harapin ang katotohanan sa halip na mangarap lang sa buhay. Ang mga Hakbang at slogan ay tinutulungan akong makita ang mga bagay kung paano malagpasan ang mga ito at kung paano makitungo sa mga nararamdaman ko tuwing ako’y nasasaktan.
Nangangarap pa rin ako, ngunit okay lang iyon dahil ngayon ay alam ko ang pagkakaiba ng realidad sa panaginip. Ang aking mga pangarap ay nakakatulong sa akin na tingnan sa mas maliwanag na paraan ang mga bagay-bagay, hangga’t hindi ako nawawala sa kung ano talaga ang nangyayari sa buhay ko ngayon.
MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN
Malaya akong mangarap, ngunit kung paano ang pangarap ay makakagawa ng malaking pagkakaiba sa nangyayari sa aking buhay. Sa halip na tumakas sa panaginip, maaari kong gamitin ang programa upang maging totoo tungkol sa mga bagay at hayaan kong tulungan ako ng aking mga pangarap na positibo.