Categories
January

January 3

Nakarating ako sa Alateen dahil hindi ko na kinakaya ang pag-inom ng isang malapit sa akin. Ngunit ito ba ang dahilan na patuloy akong bumabalik?

Sa tuwing iniisip ko ito, marahil ang Alateen ay nangangahulugang mas higit sa akin kaysa sa pag-aaral lamang na mabuhay kasama ang alkohol. Ito ay isang pakikisama kung saan makakakilala ako ng ibang mga kabataan na may mga problema tulad ng sa akin. Ito ay isang lugar kung saan ako maaaring maging bukas at tapat tungkol sa aking nararamdaman. At, higit sa lahat, ang Alateen ay isang programa na tumutulong sa akin sa lahat ng bahagi ng aking buhay sa tahanan, sa paaralan, sa aking mga kaibigan, at sa aking sarili.

 MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN

Hindi lamang ako tinutulungan ng Alateen na ayusin ang mga problema na nagmumula sa pamumuhay kasama ang alkohol; binibigyan din nito ako ng pagkakataong gumawa ng anumang bagay sa aking buhay. Ang pagsasanay at pag gamit ng programang “sa lahat ng aking mga gawain” ay makakatulong sa akin upang masulit ang buhay ngayon.

English Translation

I came to Alateen because I couldn’t cope with the drinking of someone close to me. But is this the reason I keep coming back?

If I think about it, Alateen probably means a lot more to me than just learning to live with alcoholism. It’s a fellowship where I can meet other teenagers who have problems just like mine. It’s a place where I can be open and honest about how I feel. And, most of all, Alateen is a program that helps me in all parts of my life at home, at school, with my friends, and with myself.

 

Things to Think About

Alateen not only helps me to handle the trouble that comes from living with alcoholism; it gives me a chance to do something about every part of my life. Practicing the program “in all my affairs” will help me to get the most out of life today.