Epektibo ang Unang Tradisyon! Narito kung paano ito ginamit ng isang pangkat:
“Ang aming mga pagpupulong ay madalas na tahimik at walang kabuhay-buhay hanggang sa ang buong kahulugan ng Unang Tradisyon ay unti-unting lumubog sa aming mga ulo. Kung walang pagkakaisa sa pangkat, wala kaming magandang pagpupulong at hindi matatanggap ng mga bagong dating ang tulong na kailangan nila. Matapos namin basahin at pag-aralan ang Unang Tradisyon ng may malalim na pagkaka-intindi, napagtanto naming lahat na kailangan nating magbigay ng kaunti para sa ating sarili upang magkaroon ng saysay ang pangkat.
“Nagsimula kaming magbukas at magbahagi; pagkatapos ay nagsimula kaming magtiwala sa isa’t isa. Ginawang madali ang pagtitiwala na ito nang ang isa sa amin ay may problema at ang mga bagong dating ay tila mas madali ding gumaan ang kanilang pakiramdam.
“Ngayon nagpapasalamat kami para sa pagtitiwala na ito. Ang aming grupo ay magkakasama at alam namin na maaari naming sandalan sa balikat ang bawat isa sa mga oras ng kaguluhan at pangangailangan.”
MGA BAGAY NA DAPAT ISIPIN
Ang pagtutulungan ay nangangahulugang pagtulong sa bawat isa. Kailangan iyon ng maraming pagtitiwala at pag-unawa. Ang Unang Tradisyon ang magbubukas ng pinto. Ngayon ay magagamit ko ito upang makatulong na patatagin ang aking pangkat.